Mga Alituntunin para sa Logo
Ang logo ay ang pinakamahalagang simbolo na kumakatawan sa ProBit Global at gumaganap ng mahalagang papel sa paghahatid ng brand image. Dapat mapanatiling pareho ang hugis at proporsyon ng lahat ng elemento ng logo. Mas mainam na gamitin ang patayong anyo. Sa mga hindi maiiwasang pagkakataon, maaaring gamitin ang pahalang na anyo ng logo.
Mga Alituntunin sa Brand Name
Kapag isinulat ang brand name ng ProBit Global, dapat sundin ang mga sumusunod upang mabawasan ang kalituhan.
Ang bawat letra ng brand name ay maaaring ma-capitalize.
Ang letrang 'B' sa 'ProBit' ay dapat na naka-capitalize.
Ang 'ProBit' ay hindi dapat gamitin ng solo.
Dapat gamitin ang spacing sa pagitan ng 'ProBit' at 'Global' upang makilala ang mga ito.
Mga Alituntunin sa Kulay
Ang ProBit Global Ultramarine ay ang brand color na sumisimbolo sa ProBit Global. Maaari kang pumili sa mga kulay mula sa sumusunod na ultramarine palette upang makagaw ng pinaka-angkop na contrast para sa maliwanag o madilim na background.
PROBIT GLOBAL Ultramarine
HEX #4231c8
RGB 66 49 200
CMYK 90 90 0 0
PANTONE 2369 C
Ultramarine (For Dark Theme)
HEX #504ced
RGB 80 76 237
CMYK 83 71 0 0
PROBIT GLOBAL Gray
HEX var(--gray-500)
RGB 123 123 123
CMYK 60 52 48 0
Mga Alituntunin para sa Partnerships
Kapag naka-display ang ProBit Global logo kasama ng logo ng partner, mangyaring sumangguni sa larawang ito at huwag baguhin ang posisyon at laki ng logo. Kung hindi maiiwasan ang pagbabago, tiyaking napanatili ang mga proporsyon nito at dapat mayroong sapat at malinaw na espasyo sa paligid ng logo.
Mga pagbabawal
Dapat mapanatili ang hugis at proporsyon ng logo, at ipinagbabawal ang anumang pagbabago kabilang ang pagbaluktot at pagbabago sa elemento, epekto, o kulay.
Huwag unatin o baluktutin ang perspective at laki ng logo.
Huwag magdagdag o maglagay ng background sa likod ng logo.
Huwag baguhin ang hugis o espasyo ng mga elemento ng logo.
Huwag gumamit ng ibang kumbinasyon ng mga kulay.
Huwag baguhin ang mga font ng logo.
Huwag maglapat ng drop shadow effect sa logo.
Huwag balangkasin ang logo.
Huwag gamitin ang lumang bersyon ng logo.
Huwag baguhin ang kulay ng logo.
Huwag baguhin ang layout ng logo.